Barangay Cofradia Receives Regional Recognition as B.E.S.T. Barangay Passer
Recognition Date
September 18, 2026
Posted by
Barangay Cofradia Admin
Category
Achievements

Tignan ang pagtanggap nina Punong Barangay Rodrigo Lopez Centeno at Kalihim ng Barangay Cofradia Melissa Roque Lara ng pagkilala sa ating Barangay bilang Regional Passer ng B.E.S.T. Barangay (Building Excellence in Service and Transparency) noong ika-18 ng Setyembre, 2026 sa Hiyas Pavilion, Provincial Capitol.
Ang pagkilala ito ay sumasalamin sa pagpupunyagi at pagsisikap ng buong Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan kasama ang iba pang volunteers ng barangay at maging ng mga mamamayan para sa pagtataguyod ng isang maayos na pamayanan.
Ito rin ay magiging hamon upang lalong maging masigasig sa larangan ng paglilingkod ang pamahalaang barangay at mapanatili ang hangarin ng isang mapayapa at maunlad na Barangay Cofradia.
Ito rin ay handog pasasalamat sa lahat ng mga mamamayang nakikibahagi sa mga gawain at proyekto ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan.
Stay connected with Barangay Cofradia
Follow our announcements for updates.


